Cheat Code

Online Preview

Kung may total hit points ang Pilipinas na nababawasan tuwing may bagyo, marahil ay aandap-andap na’to sa mahigit kumulang na dalawampung bagyo na tumatama sa’tin taun-taon. Parang may RNG kung sino at ilang beses ka lang tatamaan pero nagiging mas mahirap ka ng nasa dalawampung bahagdan (20%)* taon-taon dahil sa mga kalamidad. Mas direct hit kung mangingisda at magsasaka. Maririndi sa mga madaliang pukpok ng mga pangangailangan at salbabida-bidahang solusyonismo. Lagari sa paghahagilap dahil sa makalawa’y Lunes na naman. Papalitadahan muna ang paghihilom nang paspasang pagbabalik sa normal na buhay. Hard mode ang default setting natin.

Ang Cheat Code ay pagtitipon ng mga tanong, tugon, at tulong kung may hack ba sa “bagyo-bagsak-bangon” na tila climate fiction loop. Ang exhibit ay pagkalap ng relief (ginhawa) na hindi de-kahon o de-lata. Ano ang itsura ng personal at komyunal na care system sa maliit na AoE? Paano natin hihigitin ang mga mithi ng E.O. 60-2024** para palambutin ang bagsak ng mga bagyo sa komunidad? Ano ang pinaka madaling realidad ang mahihigit mula sa mga papel sa pinakamalapit na hinaharap? Walang sagot ngayon. Walang iisang strategy. Baka bagyo rin ang mga kasagutan. If mabigat ang mga paghahanap, try natin magco-op o taympers.

Participating Creatives

Curatorial Team

Digital Systems & Operations

Community & Communications

Pumasok